Kampo ni BBM nanawagan kay VP Robredo na tigilan na ang panlilinlang

“Enough of your deceptions.”

Ito ang sinabi ng tagapagsalita ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez kaugnay sa umano’y panlilinlang ni Vice President Leni Robredo at mga dilawan nitong kaalyado.

Ang pahayag ay inilabas ni Rodriguez kaugnay sa akusasyon ni Robredo na ang kampo ni BBM ang nasa likod ng pekeng sex video ng panganay nitong anak na si Aika.

Ayon kay Rodriguez, hindi na maloloko nina Robredo ang sambayanang Pilipino dahil gising na ang mga ito sa mga propaganda nito ng kasinungalingan.

Nanawagan si Rodriguez sa panig ni Robredo na huwag ipasa sa kanila ang peke, negatibo, at basura nitong politika.

Aniya ang net trust rating ni Marcos na 53% ang nagtutulak sa kanila na ipagpatuloy ang positibong pangangampanya.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: