Karagdagang 27 Covid-19 patients sa Gen. Trias city, Cavite, nakarekober

Naragdagan pa ng panibagong 27 pasyenteng nakarekober na sa Covid -19 sa General Trias City Cavite,.

Dahil dito, umakyat sa 1,114 ang recovery cases sa lunsod.

 
Batay sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng General Trias, 1,359 na ang may kumpirmadong kaso ng virus sa lungsod kung saan 227 sa mga ito ay active case habang 18 naman ang nasawi.


Nagpapasalamat naman ang mga opisyal ng City Health office sa mga Medical frontliner na walang sawa na tumutulong sa mga pasyente para gumaling ang mga ito sa naturang virus.

Samantala, sa buong Cavite naman, umakyat na sa 8,839 ang bilang ng mga may kaso ng covid 19, kung saan 4,809 sa mga ito ay nakarekober habang 197 na ang nasawi. 


Patuloy naman ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sumunod sa mga Health protocol lalo na ang mandatory wearing of face mask and face shield na  ordinansang ipinasa sa lalawigan  ngayong may Pandemya sa bansa dulot ng Covid-19.

Jet Hilario

Please follow and like us: