Karagdagang 323 Pinoy mula UAE, nakauwi na ng bansa

Umaabot na sa 5,041 Pinoy mula United Arab Emirates ang nakauwi na ng Pilipinas mula nang magka-Pandemya ng Covid-19.

Ito ay matapos maragdag ang nasa 323 Pinoy mula UAE na nakauwi na ng bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito na ang ika-limang DFA-chartered repatriation flight mula sa nasabing bansa ngayong buwan at ika-12 naman simula noong June 2021.

Lumapag ang chartered flight sa Davao city.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola, lahat ng repatriates ay negatibo sa RT-PCR test at sumasailalim sa mahigpit na facility-based quarantine na inilaan ng pamahalaan.

Makatatanggap din ang mga umuwing Pinoy ng nasa 200 US dollars bawat isa bilang reintegration assistance.

Please follow and like us: