Karagdagang Isolation Facility para sa mga Covid 19 patient binuksan sa Pampanga

Nagbukas pa ng karagdagang isolation facilities o dalawang container van sa Lubao, Pampanga para sa mga pasyente ng Covid-19.

Sinabi ni Dax Tidula, Medical specialist, ang mga nasabing container van ay fully-equipped, may sariling nurse station, at kayang makapag-accomodate ng 16 na katao bawat container van.

Ito ay inilaan para sa mga mild at symptomatic patients.

Sa kasalukuyan, nasa 100 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 patients na sumasailalim sa gamutan sa Lubao quarantine facility: 88 rito ang mild asymptomatic at nasa regular isolation; samantalang 12 naman ang mild symptomatic.

Please follow and like us: