Karagdagang mga bakuna kontra COVID-19, sunod-sunod na natanggap ng Eastern Visayas

Sunod-sunod na natanggap ng Eastern Visayas ang karagdagang mga bakuna kontra Covid-19.

Noong Lunes ay dalawampung (20) kahon ng Pfizer vaccines ang dumating sa Tacloban DZR airport, lulan ng local airline.

Naglalaman ang mga kahon ng 105,300 na doses ng nasabing bakuna, kung saan ang 44,460 nito ay dinala na sa lalawigan ng Leyte, habang ang pre-allocated na 18,720 doses ay direkta namang inihatid sa lalawigan ng Western Samar.

Ayon sa Department of Health Eastern Visayas, ang mga nabanggit na lalawigan ay may mga ultra-low freezers sa kanilang area, na kailangan ng nasabing bakuna.

Samatala, ang nalalabing 42,120 doses ng Pfizer vaccines ay direkta namang inihatid sa cold storage facility ng DOH-Eastern Visayas Center for Health Development para sa dagdag pang alokasyon at distribusyon sa mga nalalabing probinsiya sa rehiyon.

Kahapon naman (Martes), ay walong (8) kahon ng bakuna ang dumating sa rehiyon na naglalaman ng 2,300 vials ng Moderna vaccines na inilaan para sa Tacloban, Leyte, Southern Leyte at Northern Samar LGU’s.

Rose Marie Metran

Please follow and like us: