Karagdagang Quarantine Facility, binuksan sa Kampo Krame para sa mga pulis at mga pamilya nito na tinatamaan ng Covid-19

Nagbukas pa ng karagdagan at bagong Quarantine facility ang Philippine National Police sa loob ng Kampo Krame para sa mga police personnel at pamilya ng mga ito na nagpopositibo sa Covid-19.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang ward extension na ito ay mayroong 96 Covid beds, 16 cubicle shower room at iba pang ammenities na kakailanganin ng isang Covid patient.

Ito na ang pangatlong accomodation na itinayo sa loob ng Kampo para matulungang makarekober sa karamdaman ang mga pulis na tinatamaan ng virus.

Nauna nang kinonvert ang Kiangan Billeting Center and Taekwondo Gym sa Camp Crame bilang mga Quaarantine facilities na may 55-bed capacity.

Please follow and like us: