Karagdagang toll fee sa SCTEX, epektibo na sa Hunyo

Simula sa Hunyo 1, 2022 epektibo na ang bagong toll rates sa Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX).

Ayon sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment.

Sa ilalim ng bagong toll matrix, ang mga motorista na may class 1 vehicles na bumibiyahe sa Mabalacat city patungong Tarlac ay sisingilin ng karagdagang P31.00.

Para naman sa mga may class 2 vehicles na dumadaan sa parehong ruta,  sisingilin sila ng karagdagang P61.00 habang ang mga motorista na may class 3 vehicles ay magbabayad ng karagdagang P92.00.

Samantala, karagdagang P49.00, P98.00, at P147.00 ang sisingilin sa mga motorista na gumagamit ng class 1, 2, at 3 vehicles, na dumadaan sa Mabalacat city at Tipo sa Hermosa, Bataan na malapit sa Subic Freeport.

Please follow and like us: