Karagdagang vaccination site sa Olongapo binuksan na

Masayang ibinalita ni Mayor Rolen “Lenj” Paulino, Jr., na nagkaroon ng karagdagang vaccination site para sa mga taga-Olongapo.

Ayon kay Mayor Paulino, target nila na makapagbakuna ng 1,000 katao kada araw.

Samantala, hanggang noong September 13, 2021 ang Olongapo City ay nakapagbakuna na ng 6,073 sa 1st Dose at 4,576 for 2nd dose sa A1 category, nasa 13,399 ang 1st dose at 8,271 ang 2nd dose para sa nasa A2 category, 16,388 ang 1st dose at 7,508 naman sa 2nd dose para sa A3 Category, at 8,800 ang 1st dose at 801 sa 2nd dose naman para sa category A4 .

Umaabot na ngayon sa 65,816 ang nabakunahan sa lungsod ng Olongapo.

Patricia May Balaoing

Please follow and like us: