Karmagedon sa mga Tollway, pina-aaksyunan sa DOTr

Umaapila si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Transportation (DOTr) at mga Toll operators na ayusin ang lumalalang problema sa trapiko sa mga Expressway.

Dulot ito ng mga pumipilang motorista na nagpapakabit ng Radio-Frequency Identification o RFID  sticker.

Iminungkahi ni Gatchalian ang paglalagay ng mga karagdagang installation booths upang hindi maipon ang mga nagdadagsaang mga motorista  na nagpapa-enroll para sa Electronic Toll Collection System at maiwasan ang paglala ng traffic.

Pinuna din ng senador ang mga reklamo hinggil sa mga depektibong RFID sensors na lalong nagpalala ng sitwasyon ng trapiko.

Paalala ng Senador,  bilyong piso ang nawawala dahil sa problemang dulot ng trapiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: