Kaso ng COVID-19 sa Biñan City, Laguna, umabot na lamang sa 30

Aabot na lamang sa 30 ang bilang ng aktibong kaso ng  COVID-19 sa Biñan City, Laguna.

Sa pinakahuling bulletin ng Biñan City Epidemiology and Surveillance Unit, limang pasyente ang panibagong nakarekober mula sa sakit.

Dahil dito, kabuuang 1,844 na ang bilang ng recoveries sa lungsod.

Gayunman, nakapagtala ng limang bagong kumpirmadong kaso ng COVID sa Biñan kabilang ang isang hospital staff.

Samantala, wala na ring aktibong kaso ng virus sa 17 barangay at komunidad sa Biñan kasama ang BJMP at PNP Custodial Facility.

Umakyat sa 460 ang pinakamataas na naitalang active COVID case sa Biñan City noong August 29.

Moira Encina

Please follow and like us: