Kaso ng Covid-19 sa Kalinga, mahigit na sa 2,500

Umakyat pa sa 2,531 ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Kalinga.

Gayunman, nakapagtala rin ng mga bagong nakrekober sa karamdaman kaya umabot na sa 2,275 ang recovery cases.

Habang ang mga namatay ay nanatiling nasa 23.

Nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) ang Kalinga.

Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na mag-ingat at palagiang sumunod sa mga ipinatutupad na health protocol at ang pagsusuot ng face mask at shield at panatilihin ang physical distancing.

Xian Renzo Alejandro, EBC Correspondent

Please follow and like us: