Kaso ng Covid-19 sa Masbate, nasa 90 na

Limang bagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa Masbate.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development ng Bicol (DOH-CHD), 4 na kaso ay mula sa bayan ng Mobo habang ang isa ay mula sa Aroroy.

Dahil dito umakyat na sa 90 ang Covid cases sa lalawigan kung saan nasa 85 pa ang aktibo o patuloy na ginagamot.

Patuloy ang paalala ng Pamahalaang Panglalawigan sa mga Masbateño na sumunod sa ipinatutupad na health protocol at iwasang maglalabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan.


Please follow and like us: