Kauna- unahang kaso ng Omicron subvariant BA.4 sa bansa hindi bakunado

Isang hindi pa bakunadong returning overseas Filipino ang kauna- unahang kaso ng Omicron subvariant BA.4 dito sa bansa.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, hepe ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, ang nasabing Pinoy ay may travel history sa Qatar at South Africa.

Dahil unvaccinated, pagdating sa bansa sumailalim siya sa 14 na araw na mandatory quarantine o mula May 4 hanggang 18.

May 3 aniyang household close contact ang nasabing kaso pero bago naman nakasalamuha ang mga ito siya ay nakatapos na ng 14 na araw na isolation.

Ang mga nasabing contact, asymptomatic at fully vaccinated na.

Pero ayon kay de Guzman inaalam pa nila ang resulta ng ginawang pagsusuri sa mga ito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: