Kindergarten at elementary pupils, nakipagkaisa sa earthquake drill

Nakipagkaisa ang mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya ng Tagumpay Elementary School, sa isinagawang 3rd quarter nationwide simultaneous earthquake drill.

Nakatutuwang pagmasdan na kahit nasa kani-kanilang mga tahanan ang mga ito ay nalalaman nila ang dapat gawin kapag may lindol, sa tulong na rin ng kanilang mga magulang.

Sa kasagsagan ng drill, sinunod ng mga kalahok ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa matinding pinsala gaya ng Duck, Cover and Hold.

Isinagawa ang drill kaalinsabay sa pag-uumpisa ng mga online class ngayong School Year 2021 to 2022, sa gitna ng umiiral pa rin na communtiy quarantine sa bansa dulot ng Covid-19 pandemic.

Jenny Garcia

Please follow and like us: