Korte Suprema muling nagpatupad ng reorganisasyon sa tatlong dibisyon nito
Nireorganisa muli ang tatlong dibisyon ng Korte Suprema matapos maitalaga sa puwesto si bagong Associate Justice Jhosep Lopez.
Ito ay alinsunod sa Special Order No. 2814 na inilabas ni Chief Justice Diosdado Peralta.
Si Peralta pa rin ang chairperson ng Supreme Court First Division habang sina Justices Estela Perlas- Bernabe at Marvic Leonen ay nananatiling chair ng Second Division at Third Division.
Working Chairperson naman ng First Division si Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at mga miyembro sina Justices Rosmari D. Carandang, Rodil V. Zalameda At Samuel H. Gaerlan.
Ang Second Division naman ay binubuo ng mga miyembro na sina Justices Alexander G. Gesmundo,Amy C. Lazaro-Javier,Mario V. Lopez at Ricardo R. Rosario.
Mga miyembro naman ng Third Division sina Justices Ramon Paul L. Hernando, Henri Jean Paul B. Inting, Edgardo L. Delos Santos at Jhosep Y. Lopez.
Moira Encina