Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat na sa mahigit 102,000

Lagpas na sa 102,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Ayon sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 1,712 ang naitalang bagong nahawahan ng virus sa rehiyon.

Dahil dito, umabot na sa 102,152 ang confirmed cases ng COVID sa Region IV- A mula noong nakaraang taon.

Gayunman, nasa 17,200 na lang ang aktibong kaso sa rehiyon.

Gumaling na mula sa sakit ang 80,901 COVID patients kung saan 1,277 ang bagong recoveries.

Umakyat naman sa 2,721 ang namatay dahil sa COVID matapos madagdagan ng 42.

Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases na nasa 6,300.

Moira Encina

Please follow and like us: