Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa DOJ, umabot na sa 85

Umakyat na sa 85 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 sa DOJ.

Batay sa datos ng DOJ, 67 ang confirmed cases na naitala ngayong taon sa departamento habang 18 noong 2020.

Gayunman, kabuuang 22 na lang na tauhan ng DOJ ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Ito ay dahil naka-rekober na mula sa COVID-19 ang 43 habang may dalawang kawani na pumanaw.

Isa sa mga namatay ay tauhan ng Witness Protection Program na pumanaw noong Marso.

Moira Encina

Please follow and like us: