Kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa General Trias City Cavite umabot na sa mahigit 4,000.

Pumalo na sa 4,539 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 General Trias City Cavite.

Batay sa tala ng ng City Epidemiology Unit ng lungsod, 4,146 sa mga ito ay mga nakarekober habang 315 ang active case, at 78 na ang nasawi.

Patuloy rin ang paalala ng city govt ng general trias sa publiko na sumunod sa mga umiiral na safety health protocol pananatili sa loob ng tahanan kung di rin naman mahalaga ang pupuntahan.

Samantala, tala naman ng DOH Calabarzon, nangunguna pa rin ang Cavite sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng virus sa lalawigan na may 37, 789 kung saan sa bilang na ito, 9,063 ang active case, 26, 859 ang nakarekober at 867 ang nasawi.

Please follow and like us: