La Union, nakapagtala ng 7 bagong kaso at 13 gumaling sa COVID-19

Muling naragdagan ang kaso ng COVID-19 sa La Union. Batay sa La Union COVID-19 Bulletin, 7 ang panibagong kaso kung saan 4 ay mula sa San Fernando city, habang tig-isa naman sa bayan ng Agoo, Bacnotan at Bauang.

Nakapagtala naman ng 13 bagong gumaling, kung saan 12 ay mula sa San Fernando city at isa mula sa bayan ng Bauang.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 665 ang nagpositibo sa COVID-Q9 sa La Union. 106 dito ang aktibong kaso, 539 ang nakarecover at 20 ang namatay.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang mga kinauukulan sa mga mamamayan ng La Union, na sundin ang minimum public health standards at gawin ang kaukulang pag-iingat.

Ulat ni Ashley Kim

Please follow and like us: