Labi ng mga pulis namatay sa engkwentro sa Maguindanao, binisita ni DILG Sec Abalos

Binisita ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang mga labi ng mga pulis na namatay sa naganap na engkwentro laban sa ilang armadong kalalakihan sa Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao.

Kasama ni Abalos si PNP Chief Police General Rodolfo S. Azurin, Jr. sa pagbisita sa mga nasawi na sina Police Lieutenant Reynaldo Orcine Samson, Chief of Police ng Ampatuan municipality, at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab.

Binisita din ni Secretary Abalos ang tatlo pang kasamahan ni Police Lt. Samson na sina PSMS Quinalayo, Police Corporal Dela Cuestra at Police Corporal Dayaday na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kabayanihan.

Ginawaran ng kalihim ang mga pulis na nasawi at nasugatan sa labanan ng natatanging pagkilala at parangal.

Nabatid na ang mga biktima ay magsisilbi sana ng isang arrest warrant nang atakihin sila ng humigit-kumulang sampung armadong kalalakihan.

Please follow and like us: