Labor Secretary Silvestre Bello III binalaan ang publiko laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan sa social media

Muli na namang nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa publiko laban sa mga Facebook account gamit ang kanyang pangalan at nangsosolicit umano ng pera.

Giit ni Bello, peke ang mga account na ito kaya hindi dapat pansinin ng mga makakatanggap ng mensahe mula rito.

Batay sa nakarating na report sa kanila, ang mga pekeng account na ito ay gumagamit ng pangalang Silvestre H. Bello III.

Nagpapadala umano ang mga ito ng mensahe para magsolicit ng regalo in cash o in kind.

Noong Mayo una na ring nagbabala si Bello hinggil sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at nanghihingi ng pondo para magamit umano sa Community pantry at Senatorial bid nito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: