Lacson: Pag-endorso ni CPP Founder Joma Sison sa Leni-Kiko tandem, malinaw sa video message nito

“Res ipsa loquitor” o “the thing speaks for itself.”

Ito ang tugon ni Senador Panfilo Lacson sa video ni CPP Founder Jose Maria Sison na ini-endorso sa pagka-pangulo si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Lacson, napanood niya ang taped message ni Sison kung saan napakalinaw na tahasang ini-endorso nito si Robredo at maging ang ka-tandem nito na si Senador Kiko Pangilinan.

Aniya wala nang dapat ipaliwanag sa nasabing video.

Ang hindi lang aniya alam ay ang behind-the-scenes o ang dahilan at mga pangyayari kung bakit sila sinuportahan ni Sison.

Nangangamba si Lacson kung mayroong naging kasunduan ang dalawang panig dahil baka bumalik at mawalang-saysay ang ginawang paglaban ng kasalukuyang administrasyon sa pagwakas sa limang dekadang insurgency.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: