Lacson-Sotto tandem nag-ikot sa Candelaria, Quezon

Nag- ikot sa Quezon province ang tambalan nina Presidential candidate Ping Lacson at katandem na si Senate president Vicente Sotto.

Nakipagdayalogo sila sa may dalawang tricycle drivers sa bayan ng Candelaria.

Humingi ng tulong ang mga toda drivers sa mga Senador dahil sa epekto sa kanilang kabuhayan ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Reklamo ng mga toda drivers hindi sila nakatanggap ng ayuda para sa transport sector nang manalasa ang pandemya.

Kapwa sinabi nina Lacson at Sotto na ang lahat ng toda drivers dapat makatanggap ng limang libong pisong ayuda para sa fuel subsidy.

Meanne Corvera

Please follow and like us: