Lacson-Sotto tandem naglabas ng sentimyento laban sa mga survey firm

Naglabas ng sentimyento ang tambalang nina Senador Ping Lacson at Vicente Sotto III laban sa mga survey firm na naglalabas ng datos sa mga mas pinapaborang mga kandidato.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey, 4 percent lang ang nakuha ni Lacson sa Voter preference habang 29 percent si Sotto.

Pero sinabi ni Lacson hindi lahat ng survey totoo.

Hindi niya raw inaakusahan ang mga survey firm pero mayroon talagang napapasukan ng operators.

Gayunman mahaba pa raw ang kampanya kaya sisikaping iparating ang kanilang mensahe sa publiko

pinuna rin nila ang anilay maling patakaran ng Comelec sa pangangampanya.

Partikular na rito ang bawal na pakikipagkamay, selfie o anumang aktibidad na may physical contact sa mga botante.

Meanne Corvera

Please follow and like us: