Lagay ng kalusugan ng mga bar examinees, inaalam ng SC

Inaalam ng Office of the Bar Chairperson ang update sa lagay ng kalusugan ng mga bar examinees.

Ayon sa tweet ng Supreme Court Public Information Office, nagpadala ng email ang Office of the Bar Chair sa mga examinees na humihiling na ibigay ang health status nila.

Kailangan na mag-reply ng examinees sa nasabing email at sagutan ang form na maa-access sa ibinigay na link sa tweet.

Ito ay mahigit isang linggo bago ang unang araw ng bar exams sa Enero 23.

Una nang hinimok ni Bar Chair at Justice Marvic Leonen ang mga examinees na mag-self -quarantine simula noong Lunes.

Aniya sinumang magpo-positibo sa COVID test ay hindi papapasukin sa local testing sites.

Moira Encina

Please follow and like us: