Laguna Provincial Gov’t tumanggap ng libreng washable facemask mula sa DSWD

Nakatanggap ng mga libreng washable facemask ang Tanggapan ng Laguna Provincial Gov’t. mula sa DSWD. 
Personal itong ibinigay ni DSWD Usec. Rene Paje kay Laguna Governor Ramil Hernandez.
Ito ay bahagi ng “Libreng Mask Para sa Bayan” campaign ng pamahalaan na kung saan layon nitong palakasin at hikayatin ang mamamayan na sundin ang minimum health standard gaya ng pagsusuot ng facemask at face shield bilang pananggalang sa Covid 19. 

Lubos ang pasasalamat ni Hernandez sa mga tinanggap nitong facemask mula sa pamahalaan.
Sinabi ng gobernador na ang mga natanggap nilang facemask ay ipamimigay nila sa bawat pamilya sa lalawigan. 
Umaasa naman ang mga opisyal ng DSWD na mananatiling sinusunod at susunod ang publiko sa mga umiiral at ipinatutupad na minimum health protocol para maiwasan ang pagkalat ng covid-19. 

Please follow and like us: