Laguna ,walang naitalang casualty sa bagyong Ulysses

Zero casualty ang Laguna sa kabila ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa lalawigan.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, walang naitalang namatay sa probinsya sa kabila ng sunud-sunod na bagyong dumaan.

Samantala, naglibot sa ibat ibang evacuation centers sa Laguna ang gobernador para mamigay ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Tuluy-tuloy din ang clearing at cleanup operations ng ibat ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan partikular sa mga lugar na binaha dala ng bagyo.

Moira Encina

Please follow and like us: