lalaking tumalon sa Mabini Bridge nasagip ng PCG

Isang 29 anyos na lalaki ang tumalon sa Mabini Bridge sa kahabaan ng Pasig River kahapon, Hulyo 3.

Tinangka pa itong kausapin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na rumesponde sa lugar pero tuluyan parin itong tumalon.

Agad rin naman siyang nasagip ng mga tauhan ng PCG na naka standby sa bahagi ng Pasig River.

Kinilala ang lalaki na si Jessie Ang, residente Paco, Maynila.

Matapos bigyan ng first aid, damit, pagkain, at inumin ay itinurn over ng PCG si Ang sa mga opisyal ng Barangay na nakakasakop sa lugar.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: