LBC Express Hub sa Tandang Sora, QC, ipinasara matapos magpositibo ang 27 empleyado nito sa Covid-19

Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang LBC Express Hub sa Barangay Tandang Sora matapos magpositibo sa COVID-19 ang 27 empleyado nito.

Pero ayon sa city government, maibabalik lamang ang operasyon ng express hub kung papasa sila sa evaluation sa loob ng 3 araw at pagkatapos ma-disinfect at maisailalim sa swab testing o rapid testing maging sa contact tracing ang mga empleyado.

Sa gitna nito, nanawagan ang QC BPLD at City Epidemiology and Surveillance Unit sa iba pang establisimyento na makipag-uganayan sa pamahalaang lungsod kung may naiulat na mga kaso ng COVID-19 upang maiwasan dumami pa ang hawaan sa trabaho.

Please follow and like us: