Libreng litson manok, ipinamahagi ng Noveleta Cavite LGU sa bawat tahanan sa kanilang bayan.

Namahagi ng libreng litson Manok ang mga opisyal ng Noveleta Cavite LGU para sa bawat pamilya at tahanan na patuloy na naapektuhan ng pandemiya dulot ng Covid 19. 
Pinangunahan ito ni Noveleta Cavite Mayor Dino Reyes Chua.
Ayon sa alkalde, minabuti ng kanilang LGU na magbahagi ng litson manok sa bawat pamilya upang sa gayon ay magkaroon pa rin sila ng makakain sa kani-kanilang mga hapag kainan.

Sinabi pa ng alkalde na magkakaroon pa ng kasunod na pamamahagi ng litson manok sa kanilang bayan sa mga susunod na araw.

photo courtesy: Niveleta Cavite Mayor Dino Reyes-Chua
Please follow and like us: