Libreng sakay ng MRT-3, extended hanggang May 30

Photo: Official FB page of DOTr

Pinalawig pa hanggang sa Mayo a-30 ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), libre ang sakay ng mga commuter simula alas-4:40 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi.

Layunin ng kagawaran na patuloy na makapaghatid ng tulong sa mga mananakay, sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at mga produktong petrolyo at upang mas marami pang makinabang sa mas pinaayos na serbisyo ng MRT-3 na kamakailan lang ay sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa kabuuan, ay umabot na sa 7,227,434 ang bilang ng mga pasaherong nakinabang sa free-ride program ng MRT-3 na nagsimula noong Marso 28 at nakatakda na sanang matapos sa Sabado, Abril 30, 2022.

Please follow and like us: