Libreng sakay sa MRT-3 regalo ni Pangulong Duterte sa kanyang birthday sa March 28- April 30

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre ang pagsakay ng publiko sa Metro Rail Transit o MRT 3 simula sa March 28 hanggang April 30.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagkumpleto sa rehabilitasyon ng MRT na ginanap sa Mandaluyong City.

Sa March 28 magdiriwang ng kanyang kaarawan ng pagsilang ang Pangulo.

Ikinatuwa ng Pangulo ang rehabilitasyon ng MRT 3 dahil nasa 22 train na ang operational at bumilis narin ang takbo nito mula sa dating 25 kilometro kada oras ay naging 60 kilometro kada oras na.

Inihayag ng Pangulo na commitment ng gobyerno sa publiko ang pagkakaroon ng maayos na mass transport system lalo na ngayong patuloy na tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: