Liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nagpaabot ng pagbati sa Ika-65 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binati ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-65 kaarawan ng kapanganakan.

Sa isang official statement sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na kaisa ng Pangulo ang mayorya ng mga mambabatas sa Kamara sa lahat ng adhikain ng administrasyon para maiangat ang buhay at pamumuhay ng bawat mamamayan.

Ayon kay Romualdez nakaatang sa balikat ng Pangulo ang pag-asa at katuparan ng bawat pangarap ng 112 milyong pilipino.

Inihayag ni Romualdez na idinadalangin ng lahat ng mga kaalyadong kongresista ang Pangulo para sa magandang kalusugan, lakas at talino para mahanapan ng solusyon ang ibat- ibang problema na kinakaharap ng bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: