Lima patay sa sunog sa Spain

Photo: AFP

Lima katao ang namatay at ilan pa ang nasugatan, sa nangyaring sunog sa isang retirement hone sa eastern Spain.

Ayon sa mga bumbero, nagsimula ang sunog Martes ng hatinggabi sa Moncada, Valencia kung saan anim na trak ng bumbero ang agad na idineploy.

Anila, 11 katao ang dinala sa ospital dahil sa smoke inhalation.

Nailikas naman ang 70 natitirang residente, habang 25 ang kailangang iligtas mula sa sunog.

Batay sa paunang pagsisiyasat, ang sunog ay maaaring sanhi ng isang short circuit sa isang oxygen unit.

Please follow and like us: