50 residente sa Aurora, binigyan ng tulong-puhunan

Pinagkalooban ng tulong-puhunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, ang mga indibidwal na residente sa mga bayan ng Baler, Maria Aurora, Dipaculao at San Luis, na nagnanais makapagsimula ng negosyo sa kani-kanilang lugar.

Kasabay nito ay hinimok ni Governor Gerardo Noveras ang mga benepisyaryo, na pagbutihin ang kanilang pagnenegosyo upang makatulong sa pagpapa-angat sa katayuan nila sa buhay at matuto silang tumayo sa sariling mga paa.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng tulong-puhunan, lakip ang pangakong pagsusumikapan nilang mapaunlad ito para na rin sa kanilang kabuhayan.

Ulat ni Pauline Marie Villamar

Please follow and like us: