Limang bayan sa Romblon, nakataas ngayon sa signal no.2

Nakataas na ngayon sa tropical cyclone wind signal no.2 ang anim na bayan sa Romblon, dahil sa banta ng bagyong Jolina.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan, Romblon, Banton at Corcuera.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang natitirang bahagi ng Romblon ay kasalukuyang nasa tropical cyclone wind signal #1.

Bunsod nito ay sinuspinde na ang pagpalaot ng lahat ng mga sasakyang pandagat, at suspendido na rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa lalawigan.

Sa ngayon ay hindi pa inaasahang tatama ang bagyo sa Romblon, ngunit lalapit naman ito bukas.

Renand Pastor

Please follow and like us: