Limang libong katao target ng Taguig LGU na mabakunahan bawat araw

Mula sa apat na libo, itinaas na ng Taguig City government sa limang libo ang target na mabakunahan bawat araw.

Bukod kasi sa dalawang karagdagang vaccination hub, mayroon na ring mobile vaccination bus ang lungsod, na mag-iikot sa mga barangay.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, bukod sa patuloy ang pagdating ng mga suplay ng bakuna mula sa national goverment , dinagdagan din nila ang vaccination sites at facilities ng lungsod.

Ipinagmalaki rin ng alkalde na tumatagal lamang sa pila ang mga magpapabakuna mula 45 minuto hanggang 90 minuto, pero mas lalo pa aniya nilang pabibilisin ang proseso sa pagbabakuna para maabot ang target na limang libong Taguigeños kada araw.

Inaasahan nila na kaya na itong maisakatuparan sa linggong ito.

Ulat ni Archie Amado

Please follow and like us: