Listahan ng mga Senatoriables ng NPC, inilabas na

Inilabas na ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang mga posibleng kandidato nito sa pagka-Senador sa May 2022 National elections.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang listahan ay batay sa kanilang pakikipag- konsultasyon sa ibat-ibang partido pulitika sa bansa.

Kabilang sa mga maaaring mapabilang sa kanilang kandidato ay sina

  1. Dating Senador JV Ejercito
  2. Sorsogon Governor Chiz Escudero
  3. Senador Sherwin Gatchalian
  4. Senador Dick Gordon
  5. DICT Secretary Gringo Honasan
  6. Atty. Goyo Larrazabal
  7. Congresswoman Loren Legarda
  8. Congresswoman Lucy Torres-Gomez
  9. Senador Joel Villanueva
  10. Senador Juan Miguel Zubiri

May dalawa pa aniya silang kinakausap na kandidato na posibleng i-anunsyo bago matapos ang Hulyo.

Tiwala si Sotto na malaki rin ang bentahe ng kanilang mga kandidato dahil isa rin ang NPC sa may disiplina at pinakamalaking partido pulitikal sa bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: