Lockdown sa 6 Barangay sa Maynila, nagsimula na ngayong araw

May 15 katao agad ang naitalang lumabag sa ipinatutupad na lockdown sa anim na Barangay sa Maynila.

Ang lockdown ay nagsimula kaninang 12:10 ng hatinggabi.

Kabilang sa mga isinailalim sa lockdown ay ang Brgy 185 sa Tondo, Brgy 374 sa Sta Cruz, Brgy 521 sa Sampaloc, Brgy 628 sa Sta Mesa, Brgy 675 sa Paco, at Brgy 847 sa Pandacan.

Ang mga lumalabag sa lockdown inilalagay sa Quarantine facility.

Aabot sa 170 tauhan ng Manila Police District ang ipinakalat sa mga nasabing barangay para magbantay sa seguridad at matiyak na walang lalabag sa lockdown.

Samantala, sa ikalawang araw ng implementasyon ng Unified Curfew sa Maynila, umabot na sa 1,023 ang mga naitatalang lumabag.

Sa bilang na ito, 112 ang menor de edad.

Madz Moratillo

Please follow and like us: