Lockdown sa Bocaue, Bulacan Municipal Trial Court pinalawig hanggang September 30 matapos magpositibo sa Covid-19 ang 3 pang kawani

Mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng buwan ang Bocaue, Bulacan Municipal Trial Court makaraang magpositibo sa Covid-19 ang tatlo pang kawani ng hukuman.

Sa memorandum ni Acting Presiding Judge Myrna Lagrosa, iniutos na mag- work from home muna ang lahat ng court personnel mula September 26 hanggang September 30.

Sinabi na sumailalim sa RT- PCR swab test ang mga nalalabi pang tauhan ng Bocaue MTC kung saan lumabas na positibo ang tatlo pang empleyado.

Una nang isinailalim sa lockdown ang Bocaue MTC mula  September 14 hanggang September 25 dahil sa positibo sa virus ang isang court personnel.

Moira Encina

Please follow and like us: