Lowering of time capsule para sa bagong building ng Senado , pinangunahan ni SP Sotto

Pinangunahan ni Senate president Vicente Sotto ang simbolikong lowering of time capsule para sa bagong building ng Senado sa Naval Village Fort Bonifacio Taguig city.

Ayon kay Sotto, bittersweet moment kung maituturing ang pag-alis sa kasalukuyang Senate building sa Pasay city na naging tahanan rin ng mga Senador sa nakalipas na dalawang dekada.

Kapag naitayo na ang bagong Senate building sa Taguig, inaasahang magiging World class at iconic ang bagong gusali.

Ayon kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri ,target na matapos ang bagong Senate building sa 2024 o bago magtapos ang 19th Ccongress.

Meanne Corvera

Please follow and like us: