LRT-2 Antipolo station, magbubukas na sa susunod na linggo

Sa Martes, June 22, itinakda ang paglulunsad ng LRT Line 2 Antipolo Station sa Antipolo, Rizal.

Habang sa June 23, Miyerkules naman inaasahang magiging operational na ito mula sa dating target na April 26 ngayong taon na sinuspinde dahil sa limitadong paggalaw dahil Covid-19 restrictions.

Ayon sa LRTA Management, kapag naging operational magiging 40 minuto na lamang ang biyahe mula Masinag, Antipolo, Rizal hanggang sa Recto, Maynila kumpara sa halos 3 oras na travel time kung sasakay ng bus o jeep.

Sinabi ng Antipolo Provincial government na sa ngayon ay on-going pa ng konstruksyon ng Eastbound exit stairs katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang private sector.

Please follow and like us: