LRT-2, may pansamantalang pagbabago sa operating hours dahil sa isasagawang Degraded operations

Magkakaroon ng adjustment sa operating hours ng Light Railways Transit (LRT-2) sa May 22 at 23 at May 29 at 30 ng buwang ito.

Sa anunsyo ng LRT Management, pansamantalang magsisimula ang operating hours ng tren sa mga nasabing petsa ng alas-5:00 ng umaga at ang last trip ay 8:30 ng gabi sa Cubao-Recto station at 9:00 ng gabi naman sa Recto to Cubao station.

Ang operasyon ay upang bigyang-daan ang integration testing ng signaling system sa Line-2 East Extension o ang Santolan-Recto line.

Inaabisuhan ang mga apektadong mananakay na maaaring gamitin ang Bus Route 9 o Cubao-Antipolo habang ipinatutupad ang operasyon.

Please follow and like us: