Magkapatid na Dargani naka-detain na sa Senado

Naaresto na ng mga tauhan ng Senate Sgt at arms ang magkapatid na sina Mohit at Twinkle Dargani, kapwa mga opisyal ng pharmally pharmaceutical corporation.

Ayon kay Ret. Gen. Rene Samonte, nadakip ang magkapatid na Dargani sa Davao International Airport sa Davao City pasado alas singko kahapon.

Lilipad ang dalawa patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia sakay ng chartered plane na nanggaling sa Singapore.

Sina twinkle at mohit ay ipina contempt at ipinaaresto ng Senado dahil sa pagtangging magbigay ng mga dokumento na may kinalaman sa kanilang transaksyon sa gobyerno kaugnay ng ginawang pagbili ng mga medical supplies.

Ang dalawa ay kapwa nakakulong na senado kasama ang isa pang opisyal na si Linconn Ong.

Meanne Corvera

Please follow and like us: