Magnitude 4.7 na lindol tumama sa Davao occidental

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Davao occidental

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang naturang pagyanig kaninang 10:29 ng umaga .

Natukoy ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 152 kilometers timog silangan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na labing apat na kilometro.

Wala namang napaulat na napinsala sa naturang lindol.

Please follow and like us: