Mahigit 1 milyong botante nagparehistro para sa Brgy at SK elections

Isang linggo bago matapos ang panahon para sa voter registration, may mahigit 1.3 milyong botante na ang nagparehistro sa Commission on Elections.

Sa report ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, hanggang nitong Hulyo 15, may 863,078 botante na nasa edad 15 hanggang 17 anyos na ang nagparehistro, sa 18 hanggang 30 anyos, may 435,266 ang nagparehistro, at 72,249 naman sa mga nasa edad 31 anyos.

May mahigit 400 libo namang aplikasyon para sa transfer, reactivation, at correction ang natanggap ng poll body.

Ang voter registration ay hanggang sa Sabado nalang, Hulyo 23.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: