Mahigit 10 libong bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 74,297 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 10,623 na bagong kaso ng COVID”-19 sa bansa, habang 3,127 naitalang bagong gumaling.

May 247 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 28,673 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 1,638,345 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,535, 375 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: