Mahigit 15 libong bagong kaso ng COVID- 19, naitala sa bansa

Umabot na sa 162,580 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 15,592 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 24,059 ang naitalang bagong gumaling.

May 154 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 37,228 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,417,419 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,217,611 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: