Mahigit 1M bata na 12-17 y.o sa CALABARZON, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Lagpas na sa isang milyong bata na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nakakumpleto na ng bakuna sa Region IV-A o CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, kabuuang 1,006,680 ang fully vaccinated sa eligible pediatric population.

Nasa 1.18 milyon na bata naman ang naturukan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID.

Wala pa naman na tumatanggap ng booster shot mula sa nasabing age group.

Sa kabuuan ay mahigit 8.65 milyong katao sa rehiyon ang kabuuang bakunado na ng una at ikalawang dose ng anti-COVID vaccines habang 9.73 milyon ang partially vaccinated.

Moira Encina

Please follow and like us: