Mahigit 2K bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON

Lalo pang nadagdagan ang aktibong kaso ng COVID-19 ang CALABARZON.
Ito ay matapos makapagtala ng 2,268 bagong kaso ng virus ang rehiyon nitong Agosto 12.
Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, umaabot na sa 17,537 ang active cases ng sakit sa rehiyon.

Nadagdagan naman ng 971 bagong recoveries ang Region IV-A habang 57 ang bagong pumanaw na pasyente.
Sa kabuuan ay 222,586 ang kumpirmadong nahawahan ng sakit, 198,350 ang gumaling, at 6,699 ang namatay na COVID patient sa CALABARZON.
Moira Encina